Total Pageviews

Monday, December 27, 2010

SANA

Sana kaya kitang abutin
Isang bituin sa kalangita'y nagniningning
Yakapin mo sayong piling
At sabihing ako'y mahal mo rin.

Sana marinig mo ang tibok ng puso ko
Na ang sinasabi'y, "Ikaw'y mahal ko"
Sana giliw ko iyo sanang matanto

Na ang damdamin ko'y di nagbibiro

Sana mayakap ng mahigpit
Mayakap ka kahit isang saglit
At madama ang halik mong ka'y init
At matitigan ang mga mata mong kay lagkit.

Sana giliw ko, pag-ibig mo'y di pa magbabago
Sabay sa pagbabago nitong magulo nating mundo
At maipapangako ko sa iyo na di maglalaho
Ang pag-ibig ko sayo na wagas at totoo.

No comments:

Post a Comment