Total Pageviews

Monday, December 27, 2010

PIPING PAG-IBIG

Nung una kitang nakilala
Kaibigan lang ang aking nadama
Ngunit sa tuwing ikaw'y aking nakikita
Napapansin kong may ningning sa yong mata.

Pilit kong kalimutan at balewalain
Mga titig mo't pagpapansin
Ngunit sa puso ko'y may ibang nadarama
Umiibig na ba ako o ito'y sadyang paghanga?

Ngunit nung isang araw, pag-ibig mo'y pinagtapat
Ako'y nabigla sayong pagsisiwalat
Di ko malaman kung anong gagawin
Dapat bang sabihin na ako rin'y may pagtingin?

Nais ko man sa kanya'y sabihin
Nguting ito'y di ko kayang gawin
Nauunahan ako ng takot at kaba
Na baka isang araw pag-ibig niya'y mawala.

Kaya mula noon siya'y iniwasan
Pagtingin ko sa kanya'y aking pinigilan
Kahit alam kong ako'y masasaktan
Ang puso kong ito'y mapapakapipi nalang.

No comments:

Post a Comment