Total Pageviews

Monday, December 27, 2010

HINDI NA AASA PA

Iniwan mo akong nag-iisa
Ni hindi ka man lang nag-alala
Na ako'y masasaktan kaya?
Relasyon hahantong lamang sa wala!

Minahal kita ng buong puso
Ngunit akala ko'y masusuklian mo ito
Matatamis mong salita na unti-unting naglaho
Na akala ko'y wagas at totoo.

Ilang ulit mo na akong nasaktan
Dahil sa iyong mga kamalian
Ngunit  ikaw ay pinagbigyan
Dahil Ikay'y mahal kahit kailan

Ngayong wala kana

Alam kong hindi na maibabalik pa

Mga matatamis nating ala-ala
Na hanggang ngayo'y nakalarawan pa.

Mahal pa rin kita, aking sinta
Ngunit pagod na akong hintayin ka
Kaya, huwag ka nang mag-alala
Hindi na ako aasa pa.

No comments:

Post a Comment