Total Pageviews

Monday, December 27, 2010

CRUSH

Noong ako'y nasa Elementarya pa
Ako'y may nakilala
Lalaking nakadamit puti, labi'y mapupula
Nakaupo sa sulok at tila nahihiya

Ako'y nabighani sa kanyang kagwapuhan
Kaya ako'y lumapit, tinanong kanyang ngalan
Ako ri'y nagpakilala, sinabi ang aking pangalan
Mula noon kami'y naging magkaibigan.

Kahit saan magpunta, kami'y laging magkasama
Nagtutulungan sa aming mga problema
Pag kami'y magkasama, kami'y laging masaya
Kung alam mo lang ang lihim ko sinta.

Ngunit nung isang araw, aking napansin
Ikaw ay nagbago, umiiwas ka na sa akin
Di ko malaman kung anong gagawin
O giliw ko, iyo sanang sabihin.

Sa di sinasadyang pagkakataon lihim ay nalaman
Ikinuwento sayo ng isang traydor na kaibigan
Dahil sa inggit, ako'y siniraan
"Bad trip talaga, di sana nagkaganyan".

Mula nang malaman mo ang aking sekreto
Ikaw'y lumayo at unti-unting naglalaho
Kaya ako'y gulong-gulo, isipa'y nalilito
kailan kaya ikaw magbabalik sa piling ko?

O mahal ko, kahit wala ka na
Mananatili ka pa rin sa aking ala-ala
Kahit ako ngayo'y hindi pinapansin
Ngunit tandaan mo, ikaw'y "Mahal pa rin".

No comments:

Post a Comment