Total Pageviews

Monday, December 27, 2010

KAHIT

Kahit ako'y laging sinasaktan
ang puso ko'y di pa rin matatablan
Kahit na iniwan mo akong luhaan
Mahal pa rin kita, yan ang tandaan.

Kahit na anong sabihin nila
Pag-ibig ko sayo'y ipaglalaban sinta,
Kahit magmukha man akong tanga
Tibok ng puso sayo pa rin sinta.

Kahit na may mahal ka nang-iba
Ako'y maghihintay sayo aking sinta
Kahit konting pagtingin iyong ilaan
Kaligayahan ko'y parang walang hangganan.

kahit na ilang ulit mo akong saktan
Luluhod pa rin ako sayong harapan
At hingin ang iyong konting pagmamahal
Kahit na ito'y kahangalan.

No comments:

Post a Comment